1 At si Saulo ay sumang-ayon sa pagpatay kay Esteban. Sa araw na iyon ay nagkaroon ng matinding pagmamalupit laban sa iglesiya na nasa Jerusalem, at silang lahat ay nangalat sa lahat ng mga dako sa Judea at Samaria, maliban sa mga apostol.2 Inilibing si Esteban ng mga lalaking makadiyos at sila ay nagkaroon ng labis na pagdadalamhati sa kaniya.3 At labis na pinipinsala ni Saulo ang iglesiya, pinapasok niya ang bawat bahay, kinakaladkad ang mga lalaki at mga babae at dinadala niya sa kulungan.