39 Ngunit ang isa sa mga salaring nakapako sa krus ay nilapastangan siya na sinasabi, “Kung ikaw ang Cristo, iligtas mo ang iyong sarili at kami.”40 Subalit pagsagot ng isa ay sinaway siya na sinasabi, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos yamang ikaw ay nasa gayunding kaparusahan?41 At tayo nga ay hinatulan ayon sa katuwiran sapagkat tinatanggap natin ang nararapat na kabayaran ng ating mga ginawa, ngunit ang lalaking ito ay walang ginawang pagkakamali.”42 Ngunit sinabi niya kay Jesus, “Panginoon, alalahanin mo ako kapag ikaw ay dumating sa iyong kaharian.”43 Kaya sinabi ni Jesus sa kaniya, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito, ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.”