Tyhjä hauta
| Secondary Keywords | Elämää koleksyon libingan libingan Maria muling pagkabuhay Naiset naiset Pasko ng Pagkabuhay walang laman |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 20:1-18 Lucas 24:1-12 Mark 15:40-47 Matthew 28:1-10 |
John 201 Sa unang araw ng sanlinggo, habang madilim pa, maagang dumating sa libingan si Maria na taga-Magdala. Nakita niya na ang bato ay naialis na mula sa libingan.2 Kaya matulin siyang tumatakbo papunta kay Simon Pedro at sa isang alagad na iniibig ni Jesus. Sinabi niya sa kanila, “Kinuha nila ang Panginoon mula sa libingan at hindi namin alam kung saan nila siya inilagay.”3 Lumabas nga si Pedro at ang alagad na iyon at pumunta sila sa libingan.4 Magkasama ngang tumatakbo nang matulin ang dalawa, ngunit ang alagad na iyon ay higit na mabilis tumakbo kaya nauna siyang dumating kay Pedro sa libingan.5 Nang siya ay yumuko, nakita niya ang mga telang lino na nakalapag, gayunpaman siya ay hindi pumasok.6 Kasunod nga niyang dumating si Simon Pedro. Siya ay pumasok sa libingan at nakita niyang nakalapag ang mga telang lino.7 Nakita rin niya ang panyo na inilagay sa ulo ni Jesus na hindi kasamang nakalapag sa telang lino kundi hiwalay na nakatiklop sa isang dako.8 Nang magkagayon, pumasok din naman ang alagad na iyon na naunang dumating sa libingan. Nakita niya at siya ay nanampalataya9 sapagkat hindi pa nila alam ang Kasulatan, na siya ay dapat bumangon mula sa mga patay.10 Kaya ang mga alagad ay muling umuwi sa kani-kanilang tirahan.11 Subalit si Maria na nakatayo sa labas ng libingan ay tumatangis, at habang siya ay tumatangis, siya ay yumuko at tumingin sa loob ng libingan,12 at nakita niyang nakaupo ang dalawang anghel na nakaputi. Ang isa ay nasa ulunan at ang isa ay nasa paanan ng pinaghimlayan ng katawan ni Jesus.13 Sinabi nila sa kaniya, “Ginang, bakit ka tumatangis?” Sinabi niya sa kanila, “Sapagkat kinuha nila ang aking Panginoon at hindi ko alam kung saan nila siya inilagay.”14 Pagkasabi niya ng mga ito, siya ay tumalikod at nakita niya si Jesus na nakatayo, ngunit hindi niya nakilala na iyon ay si Jesus.15 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ginang, bakit ka tumatangis? Sino siya na hinahanap mo?” Sa pag-aakalang siya ang hardinero, sinabi niya sa kaniya, “Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay at kukunin ko siya.”16 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Maria!” Humarap siya at sinabi sa kaniya, “Rabbi!” na ang ibig sabihin ay guro.17 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakaakyat sa aking Ama, ngunit pumunta ka sa mga kapatid ko. Sabihin mo sa kanila, ‘Ako ay aakyat patungo sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.’ ”18 Si Maria na taga-Magdala ay pumunta na ibinabalita sa mga alagad dahil nakita niya ang Panginoon at ang mga bagay na sinabi ni Jesus sa kaniya. Luke 241 Sa unang araw ng linggo, maagang-maaga pa, sila at ang ilan pang mga babaing kasama nila ay pumunta sa libingan na dala-dala ang inihanda nilang mga pabango at mga pamahid.2 Ngunit natagpuan nila ang bato na naigulong na mula sa libingan.3 At nang sila ay pumasok, hindi nila natagpuan ang katawan ng Panginoong Jesus.4 At nangyari, na sa kanilang kalituhan patungkol dito, narito, may dalawang lalaking tumayo sa tabi nila na ang mga kasuotan ay nagniningning.5 At sa kanilang pagkatakot at pagkiling ng kanilang mga mukha sa lupa, sinabi ng mga lalaki sa kanila, “Bakit ninyo hinahanap ang isang nabubuhay sa mga patay?6 Wala siya rito, ngunit siya ay nagbangon. Alalahanin ninyo kung paano niya sinabi sa inyo nang siya ay nasa Galilea pa,7 na nagsasabi, ‘Ang Anak ng Tao ay kinakailangang ibigay sa mga kamay ng mga makasalanang tao at ipako sa krus at babangon sa ikatlong araw.’ ”8 At naalala nila ang kaniyang mga salita.9 Nang sila ay nakauwi mula sa libingan, isinalaysay nila ang lahat ng mga bagay na ito sa labing-isang alagad at sa iba pa.10 Si Maria na taga-Magdala, si Joana, si Maria na ina ni Santiago at ang ibang mga babaing kasama nila ang nagsabi ng mga bagay na ito sa mga apostol.11 At ang kanilang mga salita ay naging parang walang kabuluhan sa kanila at sila ay hindi naniwala sa kanila.12 Ngunit si Pedro ay tumayo at tumakbo patungo sa libingan at pagkayukod niya ay nakita niya ang mga telang lino na lamang ang nakalatag. At siya ay umuwi na namamangha sa kaniyang sarili sa nangyari. Mark 1540 May mga babae ring nakatingin mula sa malayo, kabilang sa kanila sina Maria na taga-Magdala, at si Maria na ina ni Santiago na maliit at ni Jose, at si Salome41 (sila rin ang mga sumunod at naglingkod kay Jesus habang siya ay nasa Galilea,) at ang marami pang ibang babae na kasama niyang umahon sa Jerusalem.42 Nang sumapit na ang gabi, yamang noon ay Araw ng Paghahanda, ang araw bago ang Sabat,43 dumating si Jose na mula sa Arimatea, na isang marangal na tagapayo at naghihintay rin sa paghahari ng Diyos. Siya ay naglakas‑loob na pumunta kay Pilato upang hilingin ang katawan ni Jesus.44 Ngunit nagtaka si Pilato na namatay na pala si Jesus, kaya pagkatawag niya sa senturion, itinanong niya kung matagal na siyang namatay.45 Nang nabatid niya ito sa senturion, ibinigay niya ang katawan kay Jose.46 Pagkatapos niyang bumili ng telang lino, ibinaba niya si Jesus at siya ay kaniyang binalot ng telang lino at inilagay sa libingan na iniuka mula sa bato, at iginulong niya ang bato sa bukana ng libingan.47 At nakita ni Maria na taga-Magdala at ni Maria na ina ni Jose kung saan siya inilagay. Matthew 281 At sa pagtatapos ng araw ng Sabat, nang mag-uumaga na sa unang araw ng linggo, si Maria na taga-Magdala at ang isa pang Maria ay pumunta upang tingnan ang puntod.2 At narito, nagkaroon ng malakas na lindol sapagkat ang isang anghel ng Panginoon ay bumaba mula sa langit at siya ay dumating at iginulong ang bato mula sa pintuan ng libingan at siya ay umupo sa ibabaw nito.3 Ang kaniyang anyo ay katulad ng kidlat at ang kaniyang damit ay maputi na parang niyebe.4 At sa takot ng mga nagbabantay, sila ay nanginig at naging parang mga patay.5 At ang anghel ay sumagot at sinabi sa mga babae, “Huwag kayong matakot sapagkat alam ko na ang hinahanap ninyo ay si Jesus na siyang ipinako sa krus.6 Wala siya rito sapagkat siya ay binangon ayon sa kaniyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang dako kung saan inihimlay ang Panginoon,7 at magmadali kayong pumunta at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad na siya ay binangon mula sa mga patay. At narito, siya ay mauuna sa inyo patungo sa Galilea. Siya ay makikita ninyo roon. Narito, sinabi ko na sa inyo.”8 Kaya sila ay nagmadaling umalis mula sa libingan, na may takot at malaking kagalakan at sila ay tumakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad.9 At habang sila ay nasa daan upang balitaan ang kaniyang mga alagad, narito, sinalubong sila ni Jesus na sinasabi, “Magalak kayo.” At sila ay lumapit at hinawakan ang kaniyang mga paa at siya ay sinamba nila.10 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Humayo kayo at ibalita ninyo sa aking mga kapatid upang sila ay makapunta sa Galilea at ako ay makikita nila roon.” | |








