39 At nang si Jesus ay lumabas, siya ay pumunta sa bundok ng mga Olibo ayon sa kinaugalian at ang kaniyang mga alagad ay sumunod din sa kaniya.40 At pagdating niya sa dakong iyon, sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo upang hindi kayo pumasok sa tukso.”41 At siya ay napahiwalay sa kanila na kasing-layo ng isang pukol ng bato at pagkaluhod niya, siya ay nanalangin42 na sinasabi, “Ama, kung gugustuhin mo, alisin mo ang sarong ito sa akin. Gayunpaman, hindi ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang mangyari.”43 At nagpakita kay Jesus ang isang anghel mula sa langit na nagpapalakas sa kaniya.44 At sa kaniyang matinding pakikipagbaka, lalo siyang nanalangin nang mataimtim at ang pawis niya ay naging katulad ng namuong dugo na pumapatak sa lupa.45 At nang siya ay tumindig pagkatapos manalangin at pumunta sa kaniyang mga alagad, sila ay natagpuan niyang natutulog dahil sa kalungkutan.46 Sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo. Manalangin kayo upang hindi kayo pumasok sa tukso.”