62 At kinabukasan, pagkatapos ng Araw ng Paghahanda, ang mga punong saserdote at mga Fariseo ay nagtipun-tipon sa harapan ni Pilato,63 na nagsasabi, “Ginoo, naalala namin na ang mandarayang iyon ay nagsabi nang siya ay nabubuhay pa, ‘Pagkalipas ng tatlong araw, ako ay muling babangon.’64 Kaya iutos mo na bantayang maigi ang puntod hanggang sa ikatlong araw baka dumating ang kaniyang mga alagad sa gabi at siya ay nakawin at sabihin nila sa mga tao, ‘Siya ay nagbangon mula sa mga patay.’ At mangyayari na ang huling pandaraya ay higit na malala kaysa sa una.”65 Ngunit si Pilato ay sumagot sa kanila, “Kayo ay mayroong tagapagbantay. Humayo kayo. Bantayan ninyo ito nang maigi ayon sa inyong kaalaman.”66 Kaya sila ay umalis at kanilang ipinabantayan nang maigi ang puntod, nilagyan ng selyo ang bato at nagtalaga ng tagapagbantay.