Oppitunnit
| Secondary Keywords | alagad aralin Elämää Jeesus Jeesus koleksyon magturo makinig umupo |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 24:13-53 |
Luke 2413 At narito, nang araw ring iyon ay pumunta ang dalawa sa kanila sa isang nayon na tinatawag na Emaus, na ang layo mula sa Jerusalem ay animnapung estadya°.14 At sila ay nag-uusap sa isa't isa patungkol sa lahat ng mga bagay na ito na nangyari.15 At nangyari na habang sila ay nag-uusap at nagtatalo, si Jesus din mismo ay lumapit at sumama sa kanila.16 Ngunit ang kanilang mga mata ay pinipigilan upang hindi siya makilala.17 At sinabi niya sa kanila, “Ano itong mga salita na inyong pinag-uusapan sa isa't isa habang kayo ay naglalakad at malungkot ang inyong mga mukha?”18 Ngunit ang isang lalaki na ang pangalan ay Cleofas ay sumagot na sinabi kay Jesus, “Ikaw ba ay dayuhan lang sa Jerusalem na hindi nakaalam ng mga nangyari roon sa mga araw na ito?”19 At sinabi niya sa kanila, “Anong mga bagay?” Kaya sinabi nila sa kaniya, “Ang mga bagay patungkol kay Jesus na taga-Nazaret na naging tao, isang propeta na makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Diyos at sa lahat ng mga tao,20 at kung paanong siya ay ibinigay ng aming mga punong saserdote at ng mga pinuno upang hatulan ng kamatayan at siya ay ipinako nila sa krus.21 Ngunit kami ay umaasa na siya yaong tutubos sa Israel at maliban sa lahat ng mga bagay na ito, ngayon ang ikatlong araw mula nang nangyari ang mga bagay na ito.22 Ngunit pinamangha rin kami ng ilang kasama naming mga babae na maagang pumunta sa libingan.23 At nang hindi nila nakita ang katawan ni Jesus, sila ay pumunta sa amin na nagsasabing sila ay nakakita rin ng isang pangitain ng mga anghel na nagsasabing siya ay nabubuhay.24 At ang ilan sa kanila na mga kasama namin ay pumunta sa libingan at natagpuan nila ito nang gayon, ayon din sa sinabi ng mga babae, ngunit hindi nila nakita si Jesus.”25 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “O, kayong mga mangmang at mga mabagal ang puso upang sumampalataya sa lahat ng mga sinabi ng mga propeta.26 Hindi ba ang Cristo ay kinakailangang dumanas ng mga bagay na ito at papasok sa kaniyang kaluwalhatian?”27 At simula kay Moises at sa lahat ng mga propeta ay ipinaliwanag niya sa kanila sa lahat ng Kasulatan ang mga bagay patungkol sa kaniyang sarili.28 At sila ay papalapit na sa nayon na kanilang pupuntahan at ipinahiwatig niyang malayo pa ang pupuntahan niya.29 Ngunit siya ay pinilit nila na sinasabi, “Manatili kang kasama namin sapagkat gumagabi na at lumipas na ang araw.” At siya ay pumasok upang manatiling kasama nila.30 At nangyari, na sa kaniyang pagdulog sa hapag-kainan na kasama nila, kinuha niya ang tinapay at pinagpala ito at pagkaputul-putol niya, ito ay ibinigay niya sa kanila.31 At ang kanilang mga mata ay nabuksan at siya ay nakilala nila. Ngunit siya ay naglaho mula sa kanila.32 Kaya sinabi nila sa isa't isa, “Hindi nga ba nag-aalab sa loob natin ang ating mga puso habang tayo ay kinakausap niya sa daan at kung paano niya ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan?”33 At sila ay tumayo sa oras ding iyon at bumalik sa Jerusalem at natagpuan nilang nagkatipon ang labing-isang alagad at ang mga kasama nila.34 Sinabi nila, “Tunay na ang Panginoon ay bumangon at nagpakita kay Simon.”35 At isinalaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan at kung paanong siya ay nakilala nila sa pagputul-putol ng tinapay.36 Ngunit habang sinasabi nila ang mga bagay na ito, si Jesus mismo ay tumayo sa kalagitnaan nila at sinabi sa kanila, “Kapayapaan ang sumainyo.”37 Subalit sila ay nagulat at natakot, at inaakala nilang nakakita sila ng espiritu.38 At sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo naguguluhan? At anong dahilan na dumarating ang mga pag-aalinlangan sa inyong mga puso?39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa sapagkat ako mismo ito. Hawakan ninyo ako at tingnan sapagkat ang espiritu ay walang laman at buto katulad ng nakikita ninyo na mayroon ako.”40 At pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at mga paa.41 Ngunit habang hindi pa sila makapaniwala dahil sa galak at pagkamangha, sinabi niya sa kanila, “Mayroon ba kayong anumang pagkain dito?”42 At siya ay binigyan nila ng bahagi ng inihaw na isda at pulot mula sa bahay-pukyutan.43 At kinuha niya ito at kumain siya sa harapan nila.44 At sinabi niya sa kanila, “Ito ang mga salitang sinabi ko sa inyo nang ako ay kasama pa ninyo na dapat maganap ang lahat ng mga bagay na nasusulat sa mga Kautusan ni Moises at sa mga aklat ng mga Propeta at sa mga awit patungkol sa akin.”45 Pagkatapos ay binuksan niya ang kanilang mga pag-iisip upang maunawaan nila ang mga Kasulatan.46 At sinabi niya sa kanila, “Sa ganitong paraan ito ang nasusulat at sa ganitong paraan ang Cristo ay kinakailangang dumanas ng paghihirap subalit babangon mula sa mga patay sa ikatlong araw.47 At upang ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan sa kaniyang pangalan ay maihayag sa lahat ng mga bansa simula sa Jerusalem.48 At kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito.49 Kaya narito, ipinapadala ko ang pangako ng aking Ama sa inyo. Ngunit kayo ay manatili sa lungsod ng Jerusalem hanggang sa kayo ay mabihisan ng kapangyarihang mula sa itaas.”50 At sila ay dinala ni Jesus hanggang sa Betania, at habang nakataas ang kaniyang mga kamay, sila ay kaniyang pinagpala.51 At nangyari na habang sila ay pinagpapala niya, siya ay humiwalay sa kanila at siya ay dinalang paitaas sa langit.52 At pagkatapos nilang sumamba sa kaniya, sila ay bumalik sa Jerusalem na may malaking kagalakan.53 At sila ay nagpatuloy sa pagpupuri at sa pagbibigay lugod sa Diyos sa loob ng templo. Siya nawa! | |








