Herran ehtoollinen
| Avainsanat | sa akin |
|---|---|
| Secondary Keywords | alagad alak ang huling hapunan ang mga kuwento sa Bibliya hapunan huli Jeesus Jeesus kopa nasira ng Paul remmey simbolo Symboli symbol symboli symboli talahanayan tasa |
| Mga Banal na Kasulatan | 1 Corinthians 11:23-25 Juan 13:1 Juan 13:21-30 Matthew 26:20-29 |
1 Corinthians 1123 Sapagkat tinanggap ko mula sa Panginoon ang siya ko namang ibinigay sa inyo. Dahil ang Panginoong Jesus, nang gabing siya ay ipinagkanulo, ay kumuha ng tinapay,24 at nang siya ay nakapagpasalamat, ito ay kaniyang pinagputul-putol, at sinabi, “Kunin ninyo, kainin ninyo, ito ang aking katawan na pinagputul-putol alang-alang sa inyo. Gawin ninyo ito para sa pag-alaala sa akin.”25 At sa gayunding paraan kinuha niya ang saro, pagkatapos makapaghapunan, na sinasabi, “Ang sarong ito ay ang bagong tipan sa aking dugo. Gawin ninyo ito para sa pag-alaala sa akin tuwing kayo ay iinom nito.” John 131 Bago dumating ang Pista ng Paglagpas, alam ni Jesus na ang kaniyang oras ay dumating na upang siya ay lumisan sa sanlibutang ito patungo sa Ama. Inibig niya ang mga sa kaniya na nasa sanlibutang ito, sila ay inibig niya hanggang sa wakas. John 1321 Pagkasabi ni Jesus ng mga bagay na ito, nabalisa siya sa espiritu. Siya ay nagpatotoo at nagsabi, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.”22 Kaya nagtinginan ang mga alagad sa isa't isa na naguguluhan kung sino ang tinutukoy niya.23 Mayroon ngang nakasandal sa dibdib ni Jesus na isa sa kaniyang mga alagad, siya ang iniibig ni Jesus.24 Hinudyatan siya ni Simon Pedro upang tanungin si Jesus kung sino ang kaniyang tinutukoy.25 Sa pagsandal niya sa dibdib ni Jesus, sinabi niya, “Panginoon, sino siya?”26 Sumagot si Jesus, “Siya ang bibigyan ko ng isang subo ng tinapay pagkatapos ko itong maisawsaw.” Nang naisawsaw niya ang isang subo ng tinapay, ibinigay niya iyon kay Judas na taga-Keriot na anak ni Simon.27 Pagkatapos ng isang subo ng tinapay, pumasok sa kaniya si Satanas. Sinabi nga ni Jesus sa kaniya, “Kung ano ang iyong gagawin ay gawin mo kaagad.”28 Walang sinuman sa mga nakaupo sa hapag ang nakakaunawa kung bakit niya iyon sinabi sa kaniya29 dahil inakala ng ilan sa kanila na yamang si Judas ang may hawak ng supot ng salapi ay sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bumili ka ng mga kakailanganin natin para sa kapistahan,” o para sa mga dukha upang mayroon siyang maibigay.30 Kaya pagkatanggap niya ng isang subo ay umalis siya kaagad, at noon ay gabi na. Matthew 2620 Nang nagtakipsilim na, si Jesus ay dumulog sa hapag kasama ang labindalawa.21 At habang sila ay kumakain, sinabi niya sa kanila, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.”22 At sila ay labis na namighati at ang bawat isa sa kanila ay nagsimulang magsabi sa kaniya, “Panginoon ako ba?”23 Siya ay sumagot at sinabi, “Siya na magsawsaw ng kamay sa mangkok kasabay ko, siya ang magkakanulo sa akin.24 Ang Anak ng Tao nga ay humahayo ayon sa nakasulat patungkol sa kaniya. Ngunit sa aba ng taong iyon na sa pamamagitan niya ay ipinagkakanulo ang Anak ng Tao. Mabuti pa sa taong iyon kung hindi na siya ipinanganak.”25 At sumagot si Judas, siya na nagkakanulo kay Jesus, “Rabbi, ako ba?” Sinabi niya sa kaniya, “Ikaw ang nagsabi.”26 At habang sila ay kumakain, kinuha ni Jesus ang tinapay, pinagpala niya ito at pinagputul-putol at ibinigay sa kaniyang mga alagad. At sinabi niya, “Kunin ninyo at kainin ninyo, ito ang aking katawan.”27 At kinuha niya ang saro at nagpasalamat at ibinigay niya ito sa kanila na sinasabi, “Uminom kayong lahat28 sapagkat ito ang aking dugo ng bagong tipan na nabubuhos para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng marami.29 Ngunit sinasabi ko sa inyo na hinding-hindi ako iinom ng katas ng ubas na ito mula ngayon hanggang sa araw na mainom ko itong panibago na kasama kayo sa kaharian ng aking Ama.” | |








