39 Nang nakita ng senturion na nakatayo sa tapat ni Jesus, na sa ganoong pagsigaw ay nalagutan siya ng hininga, siya ay nagsabi, “Totoong ang taong ito ay ang Anak ng Diyos.”40 May mga babae ring nakatingin mula sa malayo, kabilang sa kanila sina Maria na taga-Magdala, at si Maria na ina ni Santiago na maliit at ni Jose, at si Salome41 (sila rin ang mga sumunod at naglingkod kay Jesus habang siya ay nasa Galilea,) at ang marami pang ibang babae na kasama niyang umahon sa Jerusalem.
Matthew 27
54 Ngunit nang nakita ng senturion at sila na mga kasama niyang nagbabantay kay Jesus ang lindol at ang mga nangyari, sila ay labis na natakot, na nagsasabi, “Totoong siya ang Anak ng Diyos.”55 At maraming babaing naroroon ang nagmamasid mula sa malayo. Sila yaong sumunod kay Jesus mula sa Galilea na naglilingkod sa kaniya.56 Kabilang sa kanila sina Maria na taga-Magdala at Maria na ina nina Santiago at Jose at ang ina ng mga anak ni Zebedeo.