Avoin hauta
| Secondary Keywords | Elämää Jeesus Jeesus koleksyon libingan libingan muling pagkabuhay Naiset naiset pampalasa Pasko ng Pagkabuhay walang laman |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 28:1-10 |
Matthew 281 At sa pagtatapos ng araw ng Sabat, nang mag-uumaga na sa unang araw ng linggo, si Maria na taga-Magdala at ang isa pang Maria ay pumunta upang tingnan ang puntod.2 At narito, nagkaroon ng malakas na lindol sapagkat ang isang anghel ng Panginoon ay bumaba mula sa langit at siya ay dumating at iginulong ang bato mula sa pintuan ng libingan at siya ay umupo sa ibabaw nito.3 Ang kaniyang anyo ay katulad ng kidlat at ang kaniyang damit ay maputi na parang niyebe.4 At sa takot ng mga nagbabantay, sila ay nanginig at naging parang mga patay.5 At ang anghel ay sumagot at sinabi sa mga babae, “Huwag kayong matakot sapagkat alam ko na ang hinahanap ninyo ay si Jesus na siyang ipinako sa krus.6 Wala siya rito sapagkat siya ay binangon ayon sa kaniyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang dako kung saan inihimlay ang Panginoon,7 at magmadali kayong pumunta at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad na siya ay binangon mula sa mga patay. At narito, siya ay mauuna sa inyo patungo sa Galilea. Siya ay makikita ninyo roon. Narito, sinabi ko na sa inyo.”8 Kaya sila ay nagmadaling umalis mula sa libingan, na may takot at malaking kagalakan at sila ay tumakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad.9 At habang sila ay nasa daan upang balitaan ang kaniyang mga alagad, narito, sinalubong sila ni Jesus na sinasabi, “Magalak kayo.” At sila ay lumapit at hinawakan ang kaniyang mga paa at siya ay sinamba nila.10 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Humayo kayo at ibalita ninyo sa aking mga kapatid upang sila ay makapunta sa Galilea at ako ay makikita nila roon.” | |








