Jeesus kertoi tarinan nuoresta miehestä, joka jätti isänsä ja meni ulos yksin. Pian hän huomasi, että paras paikka oli isänsä kanssa. Isä oli iloinen nähdessään hänet takaisin.
11 At sinabi niya, “May isang lalaking may dalawang anak na lalaki.12 At ang nakababata sa kanila ay nagsabi sa kaniyang ama, ‘Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng ari-arian na nauukol sa akin.’ At hinati niya sa kanila ang kaniyang kabuhayan.13 Kaya pagkalipas ng ilang araw, nang naipon na ang lahat, ang nakababatang anak na lalaki ay naglakbay patungo sa malayong lupain at doon niya nilustay ang kaniyang ari-arian na namumuhay sa magulong paraan.14 Ngunit nang nagugol na niya ang lahat, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon at siya ay nagsimula nang mangailangan.15 Kaya siya ay humayo at sumama sa isa sa mga mamamayan ng lupaing iyon. Ngunit siya ay kaniyang sinugo sa kaniyang mga bukirin upang magpakain ng mga baboy.16 At mahigpit niyang hinangad na busugin ang kaniyang tiyan mula sa mga bunga ng punungkahoy ng mga balat ng carob na kinakain ng mga baboy dahil walang sinumang nagbibigay sa kaniya.17 “Ngunit nang napagkilala niya ang kaniyang sarili, sinabi niya, ‘Gaano karami ang upahang utusan ng aking ama na sumasagana sa tinapay, ngunit ako ay namamatay sa gutom.18 Ako ay tatayo at pupunta sa aking ama at sasabihin ko sa kaniya, “Ama, ako ay nagkasala laban sa langit at sa iyong paningin19 at ako ay hindi na karapat-dapat na tawaging anak mo. Gawin mo ako bilang isa sa iyong mga upahang utusan.” ’20 “At siya ay tumayo at siya ay pumunta sa kaniyang ama. Ngunit habang siya ay malayo pa, siya ay nakita ng kaniyang ama at nahabag sa kaniya. At tumakbo ang ama at siya ay kaniyang mahigpit na niyakap at magiliw na hinalikan.21 Ngunit sinabi sa kaniya ng anak, ‘Ama, ako ay nagkasala laban sa langit at sa iyong paningin at ako ay hindi na karapat-dapat na tawaging iyong anak.’22 “Gayunpaman, sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin, ‘Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo ito sa kaniya, at magbigay kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at mga pangyapak para sa kaniyang mga paa.23 Magdala rin kayo ng pinatabang guya at katayin ninyo ito at tayo ay kakain at magkasayahan habang kumakain24 sapagkat ang anak kong ito ay patay ngunit nabuhay muli, siya ay napahamak at natagpuan.’ At sila ay nagsimulang magkasayahan.