Takaisin
| Secondary Keywords | anghel bahaghari Jeesus Jeesus Joulu pilvet Toinen tulossa Tule tulossa |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | 1 John 2:28 2 Peter 1:16 2 Thessalonians 1:7 Gawa 1:11 Jude 1:14 Lucas 21:27 Marcos 13:26 Marcos 14:62 Marcos 8:38 Matthew 16:27 Matthew 24:30-31 Matthew 26:64 Revelation 1:7 Revelation 22:12 1 John 228 At ngayon, munting mga anak, manatili kayo sa kaniya upang kapag siya ay mahayag, magkakaroon tayo ng kalakasan ng loob at hindi tayo mahihiya sa harapan niya sa kaniyang pagparito. 2 Peter 116 Sapagkat kami ay hindi sumunod sa mga alamat na tusong binalangkas, nang ipinakilala namin sa inyo ang patungkol sa kapangyarihan at kapahayagan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa halip, kami ay naging mga saksi ng kaniyang kadakilaan. 2 Thessalonians 17 At sa inyo na mga pinapahirapan ay bibigyan ng kapahingahan kasama namin sa kapahayagan ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ng kaniyang mga makapangyarihang anghel. Acts 111 At sila din ay nagsabi, “Mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayong nakatitig sa langit? Itong si Jesus na dinala sa langit mula sa inyo ay babalik sa paraang katulad sa nakita ninyong pagpunta niya sa langit.” Jude 114 Ngunit naghayag din sa kanila si Enoc, na ikapitong henerasyon mula kay Adan, na sinasabi, “Narito, ang Panginoon ay dumarating na kasama ang kaniyang hindi mabilang na mga banal Luke 2127 At pagkatapos ay makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa ulap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. Mark 1326 At kapag magkagayon, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa mga ulap, na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. Mark 1462 At sinabi ni Jesus, “Ako nga. At makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo mula sa bahaging kanan ng Makapangyarihan at dumarating sa mga ulap ng langit.” Mark 838 Sapagkat kapag ikakahiya ako at ang aking mga salita ng sinuman sa mapangalunya at makasalanang lahing ito, ikakahiya rin siya ng Anak ng Tao pagdating niya sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ng mga banal na anghel.” Matthew 1627 Sapagkat ang Anak ng Tao ay malapit ng dumating sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ang kaniyang mga anghel. Pagkatapos nito ay gagantimpalaan niya ang bawat tao ayon sa kaniyang gawa. Matthew 2430 At pagkatapos nito ay makikita ang tanda ng Anak ng Tao sa langit at pagkatapos ay mananaghoy ang lahat ng mga lipi ng daigdig at makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating sa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. 31 At susuguin niya ang kaniyang mga anghel na may trumpetang may malakas na tunog at kanilang titipunin ang kaniyang mga pinili mula sa apat na mga hangin, mula sa mga hangganan ng kalangitan hanggang sa mga hangganan nila. Matthew 2664 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ikaw ang nagsabi. Gayunpaman ay sinasabi ko sa iyo, mula ngayon ay makikita mo ang Anak ng Tao na nakaupo sa bahaging kanan ng Makapangyarihan at dumarating na nasa mga ulap ng langit.” Revelation 17 Narito, siya ay dumarating kasama ng mga ulap at siya ay makikita ng bawat mata at niyaong mga tumusok sa kaniya, at ang lahat ng mga lipi sa daigdig ay tatangis dahil sa kaniya. Oo! Siya nawa. Revelation 2212 “At narito, ako ay darating kaagad at ang aking gantimpala ay nasa akin upang ipagkaloob sa bawat tao ayon sa kaniyang gawa. |