14 Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa ilang, sa gayunding paraan kinakailangang itaas ang Anak ng Tao,15 upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan,16 sapagkat sa ganitong paraan ay inibig ng Diyos ang sangkatauhan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.