30 At narito, may dalawang lalaking nakikipag-usap sa kaniya, sila ay sina Moises at Elias
Matthew 17
1 Pagkaraan ng anim na araw ay isinama ni Jesus sina Pedro at Santiago at si Juan na kaniyang kapatid, at sila ay dinala niyang bukod patungo sa isang mataas na bundok.2 At siya ay nagbagong-anyo sa harapan nila at nagliwanag ang kaniyang mukha katulad ng araw at ang kaniyang mga damit ay pumuti katulad ng liwanag.3 Narito, nagpakita sa kanila sina Moises at Elias na nakikipag-usap sa kaniya.4 Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Panginoon, mabuti para sa amin na kami ay naririto. Kung nanaisin mo, kami ay gagawa ng tatlong kubol dito. Ang isa ay para sa iyo, ang isa ay para kay Moises at isa ay para kay Elias.”5 Habang siya ay nagsasalita pa, narito, lumilim sa kanila ang isang maningning na ulap, at narito ang isang tinig buhat sa ulap, na nagsasabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya.”6 At nang narinig ito ng mga alagad, sila ay nagpatirapa sa kanilang mukha at sila ay lubhang natakot.7 Lumapit si Jesus at hinawakan sila at sinabi, “Tumindig kayo at huwag kayong matakot.”8 Subalit sa pag-angat ng kanilang mga paningin, sila ay walang nakitang sinuman maliban lamang kay Jesus.9 At habang sila ay bumababa mula sa bundok, sila ay pinagbilinan ni Jesus na nagsasabi, “Huwag ninyong sabihin kahit kaninuman ang pangitain hanggang sa ang Anak ng Tao ay muling bumangon mula sa mga patay.”10 At siya ay tinanong ng kaniyang mga alagad na nagsasabi, “Kung gayon bakit sinasabi ng mga eskriba na dapat munang dumating si Elias?”11 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Totoong darating muna si Elias at ipapanumbalik ang lahat ng mga bagay.