32 Ngunit si Pedro at ang mga kasama niya ay napahimbing na ng tulog, subalit nang sila ay gumising, nakita nila ang kaniyang kaluwalhatian at ang dalawang lalaki na nakatayong kasama niya.
Mark 9
2 At pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus sina Pedro, Santiago at Juan. Sila ay dinala niyang bukod sa mataas na bundok, na sila lang ang naroroon, at siya ay nagbagong-anyo sa harap nila.3 At ang kaniyang kasuotan ay naging makinang, napakaputing kagaya ng niyebe, na walang tagapagpaputi ng damit sa lupa ang makakapagpaputi ng gayon.
Matthew 17
1 Pagkaraan ng anim na araw ay isinama ni Jesus sina Pedro at Santiago at si Juan na kaniyang kapatid, at sila ay dinala niyang bukod patungo sa isang mataas na bundok.2 At siya ay nagbagong-anyo sa harapan nila at nagliwanag ang kaniyang mukha katulad ng araw at ang kaniyang mga damit ay pumuti katulad ng liwanag.