Kaksi Mariaa ristillä
| Avainsanat | kalungkutan kawalang-paniwala Magdalena malungkot Maria mga alagad mga luha paghihinagpis pagluluksa pagpapako sa krus pagtangis Pasko ng Pagkabuhay pasyon pighati taong nagdadalamhati umyak |
|---|---|
| Secondary Keywords | babae babae dalawa disipulo ina Madona magulang matinding paghihirap mga babae mga tao ng sigaw tagasunod |
| Mga Banal na Kasulatan | John 191 Nang magkagayon, kinuha ni Pilato si Jesus at hinagupit siya. 2 Ang mga kawal ay nagsalapid ng putong na mula sa mga tinik at ipinatong ito sa kaniyang ulo at kanilang sinuotan siya ng balabal na kulay ube. 3 At sinabi nila, “Magalak ka, Hari ng mga Judio!” At siya ay kanilang pinagsasampal. 4 Kaya si Pilato ay muling lumabas at sinabi sa kanila, “Narito, dinadala ko siya sa inyo upang inyong malaman na wala akong nakikita ni isang kasalanan sa kaniya.” 5 Kaya lumabas si Jesus na nakasuot ng putong na tinik at ng balabal na kulay ube. Sinabi ni Pilato sa kanila, “Narito ang lalaki.” 6 Kaya nang namasdan siya ng mga punong saserdote at ng mga opisyal, sila ay sumigaw na sinasabi, “Ipako siya sa krus! Ipako siya sa krus!” Sinabi ni Pilato sa kanila, “Kunin ninyo siya at ipako siya sa krus sapagkat wala akong nakitang kasalanan sa kaniya.” 7 Sumagot sa kaniya ang mga pinuno ng mga Judio, “Kami ay may batas at ayon sa aming batas, dapat siyang mamatay sapagkat ginawa niyang Anak ng Diyos ang kaniyang sarili.” 8 Kaya nang narinig ni Pilato ang salitang ito, lalo siyang natakot. 9 Siya ay muling pumasok sa Pretorio at sinabi kay Jesus, “Saan ka ba nagmula?” Subalit walang isinagot si Jesus sa kaniya. 10 Kaya sinabi ni Pilato sa kaniya, “Wala ka bang sasabihin sa akin? Hindi mo ba alam na ako ay may kapamahalaang ipapako ka sa krus at ako ay may kapamahalaang palayain ka?” 11 Sumagot si Jesus, “Hindi ka magkakaroon ng anumang kapamahalaan laban sa akin maliban na ibinigay ito sa iyo mula sa itaas. Dahil dito, ang nagbigay sa akin sa iyo ay may higit na kasalanan.” 12 Mula noon humanap ng paraan si Pilato na mapalaya siya. Subalit ang mga Judio ay sumigaw na sinasabi, “Kung palayain mo ang taong ito, hindi ka kaibigan ni Cesar. Ang bawat isa na ginagawang hari ang kaniyang sarili ay nagsasalita laban kay Cesar.” 13 Kaya pagkarinig ni Pilato ng salitang ito, dinala niya si Jesus palabas. Si Pilato ay umupo sa upuan ng hukom sa dakong tinatawag na Pabimento subalit sa Hebreo ay Gabata. 14 Ngunit noon ay Paghahanda sa Araw ng Paglagpas at mag-ikaanim na ang oras. Sinabi niya sa mga Judio, “Narito ang inyong Hari!” 15 Subalit sila ay sumigaw, “Paalisin mo siya! Paalisin mo siya! Ipako siya sa krus!” Sinabi ni Pilato sa kanila, “Ipapapako ko ba sa krus ang inyong hari?” Ang mga punong saserdote ay sumagot, “Wala kaming hari maliban kay Cesar.” 16 Nang magkagayon, ibinigay niya si Jesus sa kanila upang maipako sa krus. Kinuha nila si Jesus at siya ay inilayo. 17 Lumabas siyang pasan-pasan ang kaniyang krus patungo sa tinatawag na Dako ng Bungo, na ang tawag sa wikang Hebreo ay Golgota, 18 sa lugar kung saan siya ay ipinako nila sa krus, kasama niya ang dalawa pa na nasa magkabilang bahagi at si Jesus ang nasa gitna. 19 Subalit si Pilato ay sumulat din ng isang pamagat at inilagay ito sa krus. Ang nakasulat ay, SI JESUS NA TAGA-NAZARET, ANG HARI NG MGA JUDIO. 20 Kaya ang pamagat na ito ay nabasa ng mga Judio sapagkat ang lugar kung saan si Jesus ay ipinapako sa krus ay malapit sa lungsod. Ito ay nakasulat sa mga wikang Hebreo, Griyego at Romano. 21 Sinabi nga ng mga punong saserdote ng mga Judio kay Pilato, “Huwag mong isulat, ‘Ang Hari ng mga Judio,’ kundi, ‘Siya yaong nagsabi, “Ako ay Hari ng mga Judio.” ’ ” 22 Sumagot si Pilato, “Anuman ang naisulat ko na ay naisulat ko na.” 23 Kaya nang naipako ng mga kawal si Jesus sa krus, kinuha nila ang kaniyang mga kasuotan, pinagbaha-bahagi nila ang mga ito sa apat, sa bawat kawal ay isang bahagi at gayundin ang kaniyang tunika. Ngunit ang tunika na hinabing-buo ay walang tahi mula sa itaas pababa. 24 Sinabi nga nila sa isa't isa, “Huwag natin itong punitin kundi magpalabunutan tayo kung kanino ito mapupunta” upang matupad ang Kasulatan na nagsasabi, “Pinagbaha-bahaginan nila ang aking mga kasuotan at nagpalabunutan sila para sa aking balabal.” Awi 22:18 Kaya nga, ito ang mga ginawa ng mga kawal. 25 Nakatayo ring malapit sa krus ni Jesus ang kaniyang ina, ang babaing kapatid ng kaniyang ina na si Maria na asawa ni Cleofas at si Maria na taga-Magdala. 26 Nang nakita ni Jesus ang kaniyang ina at ang alagad na kaniyang iniibig na nakatayong malapit sa krus, sinabi niya sa kaniyang ina, “Ginang, narito ang iyong anak.” 27 Pagkatapos, sinabi niya sa alagad, “Narito ang iyong ina.” At simula sa oras na iyon ay kinuha siya ng alagad papunta sa kaniyang tahanan. 28 Pagkatapos nito, yamang alam ni Jesus na ang lahat ay naganap na upang matupad ang Kasulatan, sinabi niya, “Nauuhaw ako!” 29 Doon ay may nakalagay na sisidlang puno ng maasim na alak. Kaya pinuno nila ng maasim na alak ang espongha na ipinulupot sa isang sanga ng hisopo at inilagay nila sa kaniyang bibig. 30 Kaya nang natanggap na ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya, “Naganap na!” Iniyuko niya ang kaniyang ulo at ipinagtagubilin niya ang kaniyang espiritu. 31 Yamang noon nga ay Araw ng Paghahanda, upang hindi manatili ang mga katawan sa krus sa araw ng Sabat (sapagkat ang araw ng Sabat na iyon ay dakila) hiniling ng mga Judio kay Pilato na mabali ang kanilang ang mga binti at maialis sila roon. 32 Kaya dumating ang mga kawal at binali nga nila ang mga binti ng una at ng isa pang kasama niyang nakapako sa krus. 33 Subalit pagpunta nila kay Jesus at nakita nilang siya ay patay na, hindi na nila binali ang kaniyang mga binti. 34 Ngunit isa sa mga kawal na may sibat ang tumusok sa kaniyang tagiliran at lumabas kaagad ang dugo at tubig. 35 Siya na nakakita nito ay nagpatotoo at totoo ang kaniyang patotoo. Alam niyaon na totoo ang kaniyang sinasabi upang kayo ay sumampalataya 36 sapagkat ang mga bagay na ito ay nangyari upang matupad ang Kasulatan, “Walang mababali sa kaniyang buto.” Exo 12:46; Bil 9:12; Awi 34:20 37 At muli sinasabi sa isa pang Kasulatan, “Titingin sila sa kaniya na kanilang tinusok.” Zak 12:10 38 Subalit pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jose na mula sa Arimatea na alagad ni Jesus, bagaman palihim dahil sa takot sa mga Judio, ay humiling kay Pilato na makuha ang katawan ni Jesus. Pinahintulutan siya ni Pilato kaya siya ay pumunta at kinuha ang katawan ni Jesus. 39 At si Nicodemo, siya na noong una ay pumunta kay Jesus sa gabi, ay pumunta rin na may dalang pinaghalong mira at aloe na halos isandaang libra° ang timbang. 40 Kaya kinuha nila ang katawan ni Jesus at binalot nila ito ng telang lino na may mga pabango ayon sa kaugalian ng mga Judio sa paglibing. 41 Doon sa lugar kung saan si Jesus ay ipinako sa krus ay may halamanan at sa halamanang iyon ay may bagong libingan na wala pang sinumang nailibing. 42 Doon nila inilibing si Jesus dahil sa Araw ng Paghahanda ng mga Judio, sapagkat ang libingang iyon ay malapit. |