3 Tumugon si Jesus at sinabi sa kaniya, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, maliban na ang sinuman ay ipanganak na muli, hindi niya maaring makita ang paghahari ng Diyos.”4 Itinanong ni Nicodemo sa kaniya, “Papaano maipapanganak ang taong matanda na? Makakapasok pa ba siyang muli sa sinapupunan ng kaniyang ina at ipanganak?”5 Sumagot si Jesus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, maliban na ang tao ay ipanganak sa tubig at sa Espiritu, hindi siya makakapasok sa paghahari ng Diyos.