Dove ja rukous
| Avainsanat | Getsemani Jesus |
|---|---|
| Secondary Keywords | kalapati lalaki lumuluhod panalangin Pasko ng Pagkabuhay sining |
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 261 At nangyari, nang natapos na ni Jesus ang lahat ng mga pananalitang ito, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, 2 “Alam na ninyo na pagkalipas ng dalawang araw ay magaganap ang Paglagpas at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo upang ipako sa krus.” 3 Sa oras na iyon ay nagtipun-tipon ang mga punong saserdote at ang mga eskriba at ang matatanda ng bayan sa bulwagan ng pinakapunong saserdote, siya na tinatawag na Caifas. 4 At sila ay nagsanggunian upang si Jesus ay kanilang madakip sa pamamagitan ng paglinlang upang siya ay ipapatay. 5 Ngunit sinabi nila, “Huwag sa kapistahan upang hindi magkaroon ng kaguluhan sa mga tao.” 6 At nang dumating si Jesus sa Betania sa bahay ni Simon na ketongin, 7 may isang babaing lumapit sa kaniya na may dala-dalang sisidlang alabastro na may mamahaling pamahid. At ito ay ibinuhos niya sa ulo ni Jesus habang siya ay nakadulog sa hapag. 8 Ngunit nang nakita ito ng kaniyang mga alagad, sila ay lubhang nagalit na sinasabi, “Para sa ano ang pag-aaksayang ito? 9 Sapagkat ang pamahid na ito ay maaring ipagbili sa malaking halaga at maipamigay sa mga dukha.” 10 Subalit dahil alam ito ni Jesus, sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo binibigyan ng kabalisan ang babae? Sapagkat siya ay gumawa ng mabuting gawa para sa akin 11 dahil ang mga dukha ay palagi ninyong nakakasama ngunit ako ay hindi ninyo palaging nakakasama. 12 Ang pagbuhos niya ng pamahid na ito sa aking katawan ay ginawa niya para sa paglibing sa akin. 13 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, saanman sa buong sanlibutan ipapangaral ang ebanghelyong ito, ang ginawa ng babaing ito ay isasalaysay din bilang pag-alaala sa kaniya.” 14 Nang magkagayon, ang isa sa labindalawang alagad na tinatawag na Judas na taga-Keriot ay pumunta sa mga punong saserdote, 15 at sinabi, “Ano ang ninanais ninyong ibigay sa akin upang siya ay aking ipagkanulo sa inyo?” At sila ay nagtakda sa kaniya ng tatlumpung pirasong pilak°. 16 At mula sa oras na iyon ay naghanap siya ng pagkakataon upang ipagkanulo si Jesus. 17 Sa simula ng kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang mga alagad ay pumunta kay Jesus na sinasabi, “Saan mo ninanais na kami ay maghanda para sa iyo upang kumain sa Paglagpas?” 18 At sinabi niya, “Pumunta kayo sa isang lalaki na nasa lungsod at sabihin ninyo sa kaniya, ‘Ang Guro ay nagsabi, “Ang aking nakatakdang oras ay malapit na. Gaganapin ko ang Paglagpas, kasama ang aking mga alagad, sa inyo.” ’ ” 19 Kaya ginawa ng mga alagad ang ayon sa iniutos ni Jesus sa kanila at inihanda nila ang Paglagpas. 20 Nang nagtakipsilim na, si Jesus ay dumulog sa hapag kasama ang labindalawa. 21 At habang sila ay kumakain, sinabi niya sa kanila, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na isa sa inyo ang magkakanulo sa akin.” 22 At sila ay labis na namighati at ang bawat isa sa kanila ay nagsimulang magsabi sa kaniya, “Panginoon ako ba?” 23 Siya ay sumagot at sinabi, “Siya na magsawsaw ng kamay sa mangkok kasabay ko, siya ang magkakanulo sa akin. 24 Ang Anak ng Tao nga ay humahayo ayon sa nakasulat patungkol sa kaniya. Ngunit sa aba ng taong iyon na sa pamamagitan niya ay ipinagkakanulo ang Anak ng Tao. Mabuti pa sa taong iyon kung hindi na siya ipinanganak.” 25 At sumagot si Judas, siya na nagkakanulo kay Jesus, “Rabbi, ako ba?” Sinabi niya sa kaniya, “Ikaw ang nagsabi.” 26 At habang sila ay kumakain, kinuha ni Jesus ang tinapay, pinagpala niya ito at pinagputul-putol at ibinigay sa kaniyang mga alagad. At sinabi niya, “Kunin ninyo at kainin ninyo, ito ang aking katawan.” 27 At kinuha niya ang saro at nagpasalamat at ibinigay niya ito sa kanila na sinasabi, “Uminom kayong lahat 28 sapagkat ito ang aking dugo ng bagong tipan na nabubuhos para sa kapatawaran ng mga kasalanan ng marami. 29 Ngunit sinasabi ko sa inyo na hinding-hindi ako iinom ng katas ng ubas na ito mula ngayon hanggang sa araw na mainom ko itong panibago na kasama kayo sa kaharian ng aking Ama.” 30 At pagkaawit nila ng isang himno, sila ay umalis patungo sa bundok ng mga Olibo. 31 Nang magkagayon ay sinabi ni Jesus sa kanila, “Kayong lahat ay matitisod dahil sa akin sa gabing ito sapagkat nasusulat, ‘Sasaktan ko ang pastol at ang mga tupa ng kawan ay mangangalat.’ Zak 13:7 32 Ngunit pagkatapos na ako ay ibangon, ako ay mauuna sa inyo sa Galilea.” 33 Sumagot si Pedro at sinabi sa kaniya, “Kung ang lahat ay matitisod dahil sa iyo, kailanman ay hindi ako matitisod.” 34 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na sa gabing ito, bago tumilaok ang tandang ay tatlong ulit mo akong ipagkakaila.” 35 Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Bagaman kailanganing ako ay mamatay na kasama mo, hinding-hindi kita ipagkakaila.” Gayundin ang sinabi ng lahat ng mga alagad. 36 Pagkatapos ay pumunta si Jesus kasama sila sa isang lupaing tinatawag na Getsemane at sinabi niya sa mga alagad, “Umupo kayo rito habang ako ay pupunta sa dako roon upang manalangin.” 37 At kaniyang isinama si Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo at nagsimula siyang malungkot nang labis at malumbay nang lubos. 38 Kaya sinabi niya sa kanila, “Ang aking kaluluwa ay lubhang nagdadalamhati hanggang sa kamatayan. Manatili kayo rito at magbantay na kasama ko.” 39 At siya ay pumunta sa di-kalayuan at siya ay nagpatirapa sa kaniyang mukha at nanalangin na sinasabi, “Aking Ama, kung maaari ay hayaan mong lumampas sa akin ang sarong ito, gayunpaman, hindi ang ayon sa aking ninanais kundi ang sa iyo.” 40 At siya ay pumunta sa mga alagad at sila ay natagpuan niyang natutulog at sinabi niya kay Pedro, “Hindi ba ninyo kayang magbantay ng isang oras na kasama ko? 41 Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo pumasok sa tukso. Ang espiritu nga ay nagnanais ngunit ang laman ay mahina.” 42 Sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang umalis at nanalangin na sinasabi, “Aking Ama, kung hindi maaaring lumampas sa akin ang sarong ito maliban na ito ay aking inumin, mangyari ang iyong kalooban.” 43 At sa kaniyang pagbalik ay natagpuan niya sila na muling natutulog sapagkat ang kanilang mga mata ay bumigat na. 44 At sila ay kaniyang iniwan at muling umalis at nanalangin sa ikatlong pagkakataon na sinabi ang gayunding pananalita. 45 Pagkatapos ay pumunta siya sa kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila, “Magsitulog kayo at saka magpahinga, narito, malapit na ang oras at ang Anak ng Tao ay ipinagkakanulo na sa mga kamay ng mga makasalanan. 46 Bumangon na kayo, aalis na tayo. Narito, siya na nagkakanulo sa akin ay malapit na.” 47 At habang siya ay nagsasalita pa, narito, si Judas na isa sa labindalawa ay dumating at kasama niya ang lubhang napakaraming tao mula sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan na may mga tabak at mga pamalo. 48 Ngunit siya na nagkakanulo kay Jesus ay nagbigay sa kanila ng isang tanda, na sinasabi, “Ang sinumang hahalikan ko, siya iyon. Dakpin ninyo siya.” 49 At siya ay lumapit kaagad kay Jesus at sinabi, “Pagbati, Rabbi!” At magiliw niyang hinalikan si Jesus. 50 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kaibigan, ano ang dahilan ng iyong pagparito?” Sa oras na iyon, sila ay lumapit at hinawakan si Jesus at dinakip siya. 51 At narito, iniunat ang kamay ng isa sa mga kasama ni Jesus at binunot ang kaniyang tabak at tinaga ang alipin ng pinakapunong saserdote at pinutol ang kaniyang tainga. 52 Sinabi nga ni Jesus sa kaniya, “Ibalik mo ang iyong tabak sa lalagyan nito sapagkat ang lahat ng sinumang gumagamit ng tabak ay mamamatay sa pamamagitan ng tabak. 53 Ipinapalagay mo bang hindi ko magagawa na manalangin ngayon sa aking Ama at siya ay magpapadala sa akin ng higit pa sa labindalawang lehiyon ng mga anghel? 54 Ngunit paano matutupad ang mga Kasulatan na dapat mangyari sa ganitong paraan?” 55 Sa oras ding iyon ay sinabi ni Jesus sa napakaraming tao, “Kayo ba ay pumarito na may mga tabak at mga pamalo upang hulihin ako na parang laban sa isang tulisan? Araw-araw akong umuupo at nagtuturo sa harap ninyo sa templo ngunit hindi ninyo ako dinakip. 56 Ngunit ang lahat ng ito ay nangyari upang matupad ang mga Kasulatan ng mga propeta.” Iniwan nga siya ng lahat ng mga alagad at tumakas. 57 Dinala si Jesus ng mga dumakip sa kaniya kay Caifas na pinakapunong saserdote kung saan nagkatipon ang mga eskriba at ang matatanda. 58 Ngunit si Pedro ay sumunod sa kaniya mula sa malayo hanggang sa bulwagan ng pinakapunong saserdote. At siya ay pumasok at naupong kasama ng mga opisyal upang makita ang magaganap. 59 Subalit ang mga punong saserdote at ang matatanda at ang buong Sanhedrin ay naghanap ng huwad na saksi laban kay Jesus upang siya ay kanilang maipapatay, 60 ngunit sila ay walang natagpuan. At bagaman maraming huwad na saksi ang lumapit, sila ay walang nasumpungan. Ngunit sa huli ay lumapit ang dalawang huwad na saksi 61 at nagsabi, “Sinabi ng lalaking ito, ‘Kaya kong wasakin ang banal na dako ng templo ng Diyos at ito ay itatayo ko sa loob ng tatlong araw.’ ” 62 Kaya tumayo ang pinakapunong saserdote at sinabi sa kaniya, “Wala ka bang isasagot? Ano ang mga ito na ipinaparatang laban sa iyo?” 63 Ngunit si Jesus ay nanahimik. At sumagot ang pinakapunong saserdote at sinabi sa kaniya, “Inuutusan kita sa pamamagitan ng Diyos na buhay na sabihin mo sa amin kung ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos?” 64 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ikaw ang nagsabi. Gayunpaman ay sinasabi ko sa iyo, mula ngayon ay makikita mo ang Anak ng Tao na nakaupo sa bahaging kanan ng Makapangyarihan at dumarating na nasa mga ulap ng langit.” 65 Kaya pinunit ng pinakapunong saserdote ang kaniyang damit, na sinasabi, “Siya ay naglapastangan. Ano pang mga patotoo ang kailangan natin? Narito, ngayon ay narinig ninyo ang kaniyang paglapastangan. 66 Ano ang sa palagay ninyo?” Sila ay sumagot at sinabi, “Siya ay nararapat sa kamatayan!” 67 Pagkatapos ay kanilang dinuraan sa mukha si Jesus at siya ay kanilang sinuntok, at siya ay sinampal ng iba, 68 na sinasabi, “Ihayag mo sa amin, Cristo! Sino ang sumuntok sa iyo?” 69 Si Pedro ay nakaupo sa labas ng bulwagan at lumapit sa kaniya ang isang utusang babae na nagsasabi, “Ikaw ay kasama rin ni Jesus na taga-Galilea.” 70 Subalit siya ay nagkaila sa harapan ng lahat na sinasabi, “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” 71 At nang siya ay lumabas patungo sa tarangkahan, siya ay nakilala ng isa pang utusang babae at sinabi niya sa kanila na naroroon, “Ang lalaki ring ito ay kasama ni Jesus na taga-Nazaret.” 72 At siya ay muling nagkaila na may panunumpa, “Hindi ko kilala ang lalaking iyon.” 73 Ngunit pagkaraan ng ilang sandali, lumapit sa kaniya yaong mga nakatayo at sinabi kay Pedro, “Totoo naman na ikaw ay isa rin sa kanila sapagkat ang iyong pananalita ang malinaw na nagpapakilala sa iyo.” 74 Kaya siya ay nagsimulang magsalita ng masama at manumpa, “Hindi ko kilala ang lalaking iyon.” At kaagad tumilaok ang tandang. 75 At naipaalala kay Pedro ang salita ni Jesus na sinabi sa kaniya, “Bago tumilaok ang tandang ay tatlong ulit mo akong ipagkakaila.” At siya ay lumabas at tumangis na may kapaitan. |