5 At ang anghel ay sumagot at sinabi sa mga babae, “Huwag kayong matakot sapagkat alam ko na ang hinahanap ninyo ay si Jesus na siyang ipinako sa krus.6 Wala siya rito sapagkat siya ay binangon ayon sa kaniyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang dako kung saan inihimlay ang Panginoon,7 at magmadali kayong pumunta at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad na siya ay binangon mula sa mga patay. At narito, siya ay mauuna sa inyo patungo sa Galilea. Siya ay makikita ninyo roon. Narito, sinabi ko na sa inyo.”