32 Nagpatotoo si Juan na nagsasabi, “Nakita ko ang Espiritu na bumabang buhat sa langit katulad ng kalapati, at ito ay nananahan sa kaniya.33 Hindi ko siya kilala, ngunit ang nagsugo sa akin upang magbawtismo sa tubig, siya rin ang nagsabi sa akin, ‘Kung kanino mo makikitang bumababa at nananahan ang Espiritu, siya ang magbabawtismo sa inyo sa Banal na Espiritu.’