7 Sinabi ni Jesus sa mga tagapaglingkod, “Punuin ninyo ng tubig ang mga tapayan.” At kanilang pinuno ang mga tapayan hanggang sa labi nito.8 At sinabi niya sa kanila, “Sumalok kayo ngayon at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.” Kaya dinala nila ito.9 At nang natikman ng namamahala ng handaan ang tubig na naging alak, hindi niya alam kung saan ito nanggaling (ngunit alam ng tagapaglingkod na sumalok ng tubig), tinawag ng lalaking namamahala ng kapistahan ang lalaking ikinasal.10 Sinabi niya sa kaniya, “Unang inihahain ng bawat tao ang mabuting alak at ang mababang uri ay inihahain kapag marami na silang nainom. Ngunit itinabi mo ang mabuting alak hanggang sa ngayon.”11 Ito ang simula ng mga tanda na ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea, at nahayag ang kaniyang kaluwalhatian at sumampalataya sa kaniya ang kaniyang mga alagad.