5 At sa kanilang pagkatakot at pagkiling ng kanilang mga mukha sa lupa, sinabi ng mga lalaki sa kanila, “Bakit ninyo hinahanap ang isang nabubuhay sa mga patay?6 Wala siya rito, ngunit siya ay nagbangon. Alalahanin ninyo kung paano niya sinabi sa inyo nang siya ay nasa Galilea pa,7 na nagsasabi, ‘Ang Anak ng Tao ay kinakailangang ibigay sa mga kamay ng mga makasalanang tao at ipako sa krus at babangon sa ikatlong araw.’ ”
Mark 16
6 At sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong mamangha. Hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Nagbangon siya! Wala siya rito. Narito ang dako kung saan nila siya inilagay.
Matthew 28
5 At ang anghel ay sumagot at sinabi sa mga babae, “Huwag kayong matakot sapagkat alam ko na ang hinahanap ninyo ay si Jesus na siyang ipinako sa krus.6 Wala siya rito sapagkat siya ay binangon ayon sa kaniyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang dako kung saan inihimlay ang Panginoon,7 at magmadali kayong pumunta at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad na siya ay binangon mula sa mga patay. At narito, siya ay mauuna sa inyo patungo sa Galilea. Siya ay makikita ninyo roon. Narito, sinabi ko na sa inyo.”