14 At ang Diyos na nagbangon din sa Panginoon ay siya ring magbabangon sa atin sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.
John 11
25 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Siya na sumasampalataya sa akin bagaman siya ay mamamatay, siya ay mabubuhay.
Luke 24
34 Sinabi nila, “Tunay na ang Panginoon ay bumangon at nagpakita kay Simon.”
Matthew 28
6 Wala siya rito sapagkat siya ay binangon ayon sa kaniyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang dako kung saan inihimlay ang Panginoon,
Romans 10
9 Sapagkat kung ipahahayag mo sa pamamagitan ng iyong bibig ang Panginoong Jesus at sasampalataya ka sa pamamagitan ng iyong puso na siya ay ibinangon ng Diyos mula sa mga patay, ikaw ay maliligtas.
Romans 4
24 kundi dahil din sa atin na ibinibilang na mga sumasampalataya sa Diyos na bumuhay kay Jesus na ating Panginoon mula sa mga patay,