12 At kinabukasan, pagkagaling nila sa Betania, siya ay nagutom.13 At nang natanaw niya sa di-kalayuan ang puno ng igos na may mga dahon, siya ay lumapit baka sakaling siya ay makakakita ng anuman doon. Ngunit nang ito ay nilapitan niya, wala siyang natagpuan maliban sa mga dahon sapagkat hindi pa panahon noon ng mga igos.14 At nang nagsalita si Jesus, sinabi niya sa puno, “Mula ngayon, walang sinuman nawa ang makakain ng iyong bunga magpakailanman.” At narinig ito ng kaniyang mga alagad.