20 At kinaumagahan, sa pagdaan nila, nakita nila na ang puno ng igos ay natuyo na simula sa mga ugat.21 At nang ito ay naalala ni Pedro, sinabi niya sa kaniya, “Rabbi, tingnan mo, ang puno ng igos na iyong isinumpa ay natuyo na.”22 At nang sumagot si Jesus, sinabi niya sa kanila, “Magkaroon kayo ng pananampalataya sa Diyos.23 Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang sinumang magsabi sa bundok na ito, ‘Maalis ka at maihagis sa dagat,’ at hindi mag-alinlangan sa kaniyang puso, sa halip ay manampalataya na magaganap ang kaniyang sinabi, mangyayari sa kaniya ang anumang kaniyang sasabihin.24 Dahil dito, sinasabi ko sa inyo, anumang mga bagay ang hilingin ninyo sa inyong pananalangin, manampalataya kayo na ito ay inyong nakakamtan, at ito ay mapapasainyo.25 “At kapag kayo ay nananalangin na nakatayo, magpatawad kayo kung mayroon kayong anumang laban sa kaninuman upang ang inyo namang Ama na nasa langit ay mapatawad kayo sa inyong mga pagsalangsang.26 Ngunit kung hindi kayo magpapatawad, kahit ang inyong Ama na nasa langit ay hindi magpapatawad sa inyong mga pagsalangsang.”