38 Sinabi nga ni Pedro sa kanila, “Magsisi kayo at hayaang mabawtismuhan ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo patungkol sa kapatawaran ng mga kasalanan at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Banal na Espiritu.
Colossians 2
12 nang kayo ay inilibing na kasama niya sa bawtismo, kung saan kayo rin ay kasamang ibinangon mula sa mga patay sa pamamagitan ng pananampalataya, sa paggawa ng Diyos na siyang bumuhay sa kaniya mula sa mga patay.
Galatians 3
27 dahil ang lahat ng mga binawtismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.
Matthew 3
16 At nang si Jesus ay nabawtismuhan, kaagad siyang umahon mula sa tubig, at narito, nabuksan ang kalangitan sa kaniya at nakita ni Juan ang Espiritu ng Diyos na bumababang katulad ng isang kalapati at dumadapo kay Jesus.
Romans 6
4 Kaya tayo ay inilibing na kasama niya sa pamamagitan ng bawtismo sa kamatayan upang kung paanong ibinangon si Cristo mula sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, sa gayunding paraan ay dapat tayong lumakad sa panibagong buhay.