14 Pagkasabi niya ng mga ito, siya ay tumalikod at nakita niya si Jesus na nakatayo, ngunit hindi niya nakilala na iyon ay si Jesus.15 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ginang, bakit ka tumatangis? Sino siya na hinahanap mo?” Sa pag-aakalang siya ang hardinero, sinabi niya sa kaniya, “Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay at kukunin ko siya.”16 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Maria!” Humarap siya at sinabi sa kaniya, “Rabbi!” na ang ibig sabihin ay guro.