9 Ako si Juan, na inyo ring kapatid at kabahagi sa mga paghihirap at sa paghahari at sa pagtitiis ni Jesu-Cristo. Ako ay nasa pulo na tinatawag na Patmos dahil sa salita ng Diyos at dahil sa patotoo ni Jesu-Cristo.10 Ako ay nasa Espiritu sa Araw ng Panginoon at narinig ko sa aking likuran ang napakalakas na tinig na katulad sa tunog ng trumpeta,11 na nagsasabi, “Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli,” at “Isulat mo sa isang aklat ang iyong nakikita at ipadala sa pitong iglesiya na nasa Asya: sa Efeso, sa Esmirna, sa Pergamos, sa Tiyatira, sa Sardis, sa Filadelfia at sa Laodicea.”