18 sa lugar kung saan siya ay ipinako nila sa krus, kasama niya ang dalawa pa na nasa magkabilang bahagi at si Jesus ang nasa gitna.
Luke 23
33 At nang sila ay dumating sa dakong tinatawag na Bungo, doon siya ay kanilang ipinako sa krus at ang mga salarin, ang isa nga ay sa bahaging kanan at ang isa ay sa bahaging kaliwa.
Mark 15
25 Ikatlo na ang oras nang siya ay ipinako nila sa krus.
Mark 15
27 At kasama sa kaniya, ang dalawang tulisan ay kanilang ipinako sa krus, ang isa ay nasa bahaging kanan at ang isa ay nasa bahaging kaliwa niya.
Matthew 27
31 At pagkatapos nila siyang kutyain, hinubad nila sa kaniya ang balabal at isinuot nila sa kaniya ang kaniyang damit at siya ay inilayo nila upang ipako sa krus.
Matthew 27
38 Sa oras na iyon, kasama niyang ipinapako sa krus ang dalawang tulisan. Ang isa ay sa kaniyang bahaging kanan at ang isa ay sa kaniyang bahaging kaliwa.